31.6 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

LRT 2 magkakaroon ng partial operation bukas

- Advertisement -

Magkakaroon ng partial operation bukas ang LRT o Light Rail Transit Line – 2.

Ayon kay LRTA Spokesman Atty. Hernando Cabrera, maari nang sumakay mula Cubao Station hanggang Recto Station at pabalik.

Magsisimula ang unang biyahe ng tren sa Cubao bandang alas 6:00 ng umaga habang alas 8:00 naman ang huling biyahe ng tren sa istasyon ito.

Bandang alas 9:00 naman ng gabi ang huling biyahe ng tren na manggagaling sa Recto Station.

Matatandaang pansamantalang itinigil ang operasyon ng LRT-2 matapos ang sunog sa power rectifier na naging dahilan naman para isara ang Santolan, Katipunan at Anonas Station hanggang sa susunod na taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -