LPA namataan sa Dagupan – PAGASA

0
43

Isang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang naturang LPA sa layong 380-kilometro sa kanlurang bahagi ng Dagupan City sa Pangasinan.

Mataas naman ang tiyansang maging ganap na bagyo ang LPA na magpapalakas sa habagat.

Makararanas ng pag-ulan dahil sa habagat ang mga lugar ng MIMAROPA, Cavite, Batangas, Bataan at Zambales.

Maulap na kalangitan, pabugso-bugsong pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat naman ang mararanasan sa Metro Manila, Mindano, Visayas, Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Bicol region, nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.

Samantala, bagaman mataas ang tiyansang maging ganap na bagyo ay inaasahang kikilos papalabas ng West Philippine Sea ang binabantayang sama ng panahon.