ALU-TUCP dudang makakakuha ng suporta ang kongreso sakaling ihain muli ang ‘anti-endo’ bill

0
46

Duda ang Alliance of Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na makakakuha pa ng suporta sa kongreso ang Security of Tenure o ‘anti-endo’ bill sakaling muli nilang ihain ang panukala.

Ayon kay Allan Tanjusay, spokesman ng ALU-TUCP, siguradong matindi ang dating ng mensahe ng pag-veto ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘anti-endo’ bill sa mga mambabatas.

Sinabi ni Tanjusay na inakala nilang isasabatas ng pangulo ang ‘anti-endo’ bill at isasaayos na lamang sa implementing rules and regulations kung anuman ang makita nyang diperensya.

Balitang Todong Lakas Interview