35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

LPA at Amihan patuloy na magpapaulan ngayong araw

- Advertisement -

Isang maulan na Pasko ang aasahan sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ito’y dahil sa umiiral na low pressure area (LPA) at northeast monsoon o amihan.

Huling namataan ang LPA sa layong 80 kilometro Hilagang-Kanluran ng Cuyo, Palawan bagama’t mababa ang tiyansa nitong maging bagyo at inaasahang lalabas ng bansa bukas.

Maulap na kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-uulan ang mararanasan sa Northern Luzon, Central Luzon kasama na ang Metro Manila ngayong araw.

Kalat-kalat na pag-ulan naman na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region, MIMAROPA, kabuuan ng Visayas, Caraga at Davao Region.

Samantala, isang panibagong LPA ang namataan sa layong 1,515 kilometro Silangan ng Mindanao at posibleng pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas.

Ayon sa PAGASA may posibilidad itong maging bagong bagyo.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -