32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Bahay ni AKO-Bicol Rep. Alfredo Garbin ninakawan

- Advertisement -

Nilooban ang tahanan ni AKO-Bicol Rep. Alfredo Garbin sa isang subdivision sa Legazpi City Albay kaninang umaga.

Iyan ang kinumpirma sa DWIZ ni Police Regional Office 5 Director C/Supt. Arnel Escobal isang araw matapos mapatay naman sa pananambang ang isa pang kinatawan ng AKO-Bicol na si Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay Escobal, nangyari ang panloloob sa bahay ni Garbin dakong 9:30 kanina sa ridge view subdivision sa Barangay Buragwis sa naturang lungsod.

Batay sa paunang imbestigasyon, pumasok ang mga salarin sa bintana ng palikuran na nasa ikalawang palapag ng bahay ng mambabatas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -