30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Lorenzana umapela sa mga kabataan na isabuhay ang sakripisyo ng mga bayaning Pilipino

- Advertisement -

Umapela si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa mga kabataan na isabuhay ang sakripisyo ng mga Bayaning Pilipino sa pamamagitan ng pagmamahal at kahandaang idipensa ang Pilipinas.

Ito ang mensahe ni Lorenzana sa paggunita ng Araw ng mga Bayani ngayong araw.

Ayon kay Lorenzana, tiwala siya na muling maisasabuhay ng mga Pilipino ang kabayanihang ipinamalas ng mga magigiting na bayani sa pamamagitan ng disiplina at respeto sa bansa.

Aniya, malaking tulong dito ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), dahil sa ilalim nito matuturuan ang mga kabataan ng tamang pamamahala, disiplina, respeto at serbisyo para bansa.

Dagdag pa nito, maipagpapatuloy rin ang kultura ng pagiging makabayan sa pamamagitan nito, dahil maituturo sa mga kabataan ang tunay na pagmamahal sa Pilipinas.

Kasabay nito, sinabi rin ni Lorenzana na hindi hayaan na mabaon na lamang sa limot ang sakripisyo ng mga bayani na nagbuwis ng buhay upang makamit ang kalayaan na tinatamasa ngayon ng Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -