Saturday, May 4, 2024

Korapsyon sa PhilHealth dapat munang tuldukan —Gatchalian

- Advertisement -

Dapat munang matuldukan ang malawakang korapsiyon sa PhilHealth bago simulan ang pagpataw ng mas mataas na buwis sa inuming nakalalasing.

Ito ang binigyang diin ni Senator Sherwin Gatchalian kaugnay ng ulat na malaking pondo ang nalagas sa PhilHealth dahil sa talamak na korapsiyon sa ahensiya.

Ayon kay Gatchalian, ang napipintong pagtaas ng buwis sa mga alcohol beverages ay upang mapondohan ang universal health care program ng pamahalaan.

Batay sa report ng Commission on Audit (COA), aabot sa P102.5-B ang nawawala sa PhilHealth mula taong 2013 hanggang 2018.

Paliwanag ng senador, bukod sa pag-kakasangkot ng ahensiya sa mga kontrobersiya gaya ng ghost dialysis scam ay lumalabas pa na pinopondohan nito ang mga iligal na aktibidad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img