Lockdown sa Spain vs. COVID-19 niluwagan na

0
19

Niluwagan na ng Spain ang ipinatupad nitong lockdown kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) para muling pasiglahin ang ekonomiya ng bansa.

Kabilang sa kautusang ito ang pagpayag ng pamahalaan ng Spain na magbalik-trabaho ang mga manggagawang kabilang sa sektor ng konstruksyon at mga kahalintulad, pero dapat sumunod sa panuntunan na ipinatutupad bilang pag-iingat pa rin sa virus.

Habang ang mga walang trabaho naman ay pinayuhan pa ring manatili sa kanilang kabahayan.

Samantla, inamin naman ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na bahagyang matatagalan pa ang kanilang bansa bago mapagtagumpayan ang laban nito kontra COVID-19.