Isang barangay sa Maynila isasailalim sa 24-hr ‘total lockdown’ dahil sa paglabag sa ECQ

0
25

Isinailalim sa total shutdown sa loob ng 24-oras ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang barangay sa lungsod dahil sa paglabag ng mga residente sa enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), ipinag-utos ni Moreno ang paglabas ng Executive Order No. 19 makaraang mapag-alaman ang pagsasagawa ng ilang residente ng boxing at bingo sa Barangay 20.

Sa ilalim ng kautusan, mas hihigpitan ang paglabas ng mga residente ng kani-kanilang bahay sa barangay at ang magbabantay rito ay ang local government unit sa halip na opisyal ng barangay.

Epektibo ang total shutdown simula mamayang alas-8 ng gabi hanggang bukas ng alas-8 rin ng gabi.