Live-in partner ng Chinese na dinukot sa Makati lumutang na sa pulisya

0
13

Lumutang na sa pulisya ang ka live-in partner ng babaeng Chinese national na dinukot sa Makati City, nakaraang Lunes, Disyembre 9.

Ayon kay Makati Police Chief Pol. Col. Rogelio Simon, itinuturing nilang isa sa dalawang person of interest si Cheng Tangbin matapos itong magbigay ng pabago-bagong pahayag noong Miyerkules.

Aniya, hindi nakikipagtulungan si Tangbin sa mga kapulisan dahil sa mga pahayag at naging akto nito.

Samantala, minamanmanan na ngayon ng pulisya ang isang subdibisyon sa Metro Manila dahil sa impormasyong nakalap na nakita sa naturang lugar ang van na ginamit sa pangkikidnap.