28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

PNP tiniyak parin ang seguridad sa mga delegado ng SEA Games

- Advertisement -

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi nagtatapos ang kanilang pagbibigay ng seguridad sa mga delegado mula sa iba’t ibang bansa sa pagtatapos ng 30th South East Asian Games (SEA Games).

Ito ang inihayag ng pambansang pulisya matapos ang desisyon ng ilang dayuhang atleta, opisyal at bisita na maglibot pa at magbakasyon sa ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay PNP OIC Pol. Lit. Gen. Archie Gamboa, magtatapos lamang ang kanilang misyong protektahan ang mga delegado oras na makaalis na ito sa bansa.

Aniya, kanila naring inalerto ang mga police units sa mga tourist destinations sa Luzon at Visayas sa pagbibigay ng seguridad sa mga delegado.

Samantala, pormal nang nagtapos ang SEA Games, Miyerkules ng Gabi, Disyembre 11.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -