Linya ng komunikasyon sa Bilibid dapat putulin — Lacson

0
28

Iminungkahi ni Senator Panfilo Lacson ang pagputol sa linya ng komunikasyon sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ito ay bunsod ng patuloy na transaksyon ng iligal na droga sa loob ng Bilibid.

Ayon sa Senador, galing sa loob ng Bilibid ang direktiba kaugnay sa operasyon ng iligal na droga kung saan nakikipag partisipa rin ang mga tiwaling prison guard.

Magugunitang, una nang sinabi ni BuCor Director Gerald Bantag na patuloy parin silang nakakapagkumpiska ng mga kontrabando sa NBP katulad ng cellphone, laptop, pocket wifi, wifi router at iba pang electronic gadgets.

Samantala, tiwala parin si Lacson na magtatagumpay ang operasyon laban sa iligal na droga sa loob ng Bilibid.