Libreng rebook at refund ng mga flights na apektado sa Hong Kong —PAL

0
47

Maaaring i-rebook at i-refund ng libre ng mga pasahero ng Philippine Airlines ang mga flights na apektado ng gulo at protesta sa Hong Kong.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, walang karagdagang babayaran ang mga pasahero na magre-rebook sa loob ng 30 araw mula sa orihinal na petsa ng kanilang biyahe.

Aniya, ang lahat ng babayaran mula replacement fee hanggang rebooking fee ay libre na at nagdagdag na sila ng mga karagdagang biyahe.

Paliwanag nito, mayroong mga biyahe na kailangang ibahin ang oras para masiguro ang kapakanan ng mga lulan nitong pasahero.

Matatandaang sinara ang Hong Kong airport dahil sa patuloy na protesta sa naturang bansa.