Monday, May 6, 2024

QC Mayor kinondena ang ginawang paghuli sa isang transgender

- Advertisement -

Kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ginawang paghuli sa isang transgender na gagamit ng palikuran na pang babae.

Ayon kay Belmonte, malinaw na nilabag ng naturang mall ang ordinansa sa lungsod hinggil sa pantay na karapatan ng lahat ng kasarian.

Aniya, sa kanyang lungsod ay dapat protektado at ginagalang ang karapatan ng mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Queer (LGBTQ) community.

Iginiit ng alkalde na gagawin niya ang mga naaayong hakbangin para matulungan ang biktima at mapanagot ang may sala sa insidente.

Paninindigan din daw ng lokal na gobyerno ng lungsod na lahat ay may karapatan na gamitin ang mga pampublikong lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img