Libreng COVID-19 tests para sa mga Pasigueño inilunsad

0
17

Nag-alok ang lokal na pamahalaan ng Pasig ng libreng COVID-19 tests para sa mga residente.

Pero nilinaw ni City Mayor Vico Sotto na ito’y handog nila para lamang sa mga lehitimong Pasigueño.

Ayon kay Sotto, para ma-avail ang libreng test, maaaring magpa-reserve muna sa pamamagitan ng official social media accounts ng LGU at magdala ng identification card na magpapatunay na ito’y residente ng lungsod.