11 katao nasawin, 27 nawawala sa nangyaring landslide sa Nepal

0
19

Patay ang 11 katao habang 27 iba pa ang nawawala sa naganap na landslide sa isang village sa north-central Nepal.

Ayon kay local police official Madhav Kafle, tinatayang tatlumpu’t pitong bahay sa gilid ng burol ang natabunan ng rumagasang putik at tubig-baha dahil sa halos walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Nagpapatuloy ang search and rescue ng mga awtoridad para sa mga nawawalang residente.