LGUs hinimok na makiisa sa Nationwide Eartquake Drill – DILG

0
49

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) na makiisa sa itinakdang Nationwide Earthquake Drill bukas, June 20, na ang sentro ay sa Paoay, Ilocos Norte.

Sinabi ni DILG undersecretary Jonathan Malaya na dapat mahigpit na obserbahan ng LGUs ang kanilang kahandaan kapag dumating ang anumang sakuna.

Hinikayat din ni Malaya ang pagkakaroon ng audit sa mga infrastructure sa kanilang lugar para matiyak ang kanilang kaligtasan.