Lawyers’ group umapela sa DOTr ng libreng face shield sa mga terminal

0
8

Umaapela ang grupo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Department of Transportation (DOTr) na mamigay ng libreng face shield sa mga terminal.

Ito ay kasunod ng kagustuhan ng DOTr na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng pasahero ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon sa presidente ng LCSP na si Atty. Ariel Inton, kapos na sa pondo ang mga pasahero dahil sa nararanasang krisis bunsod ng pandemya at sinasamantala pa umano ng mga negosyante ang naturang sitwasyon.

Iginiit pa ni Inton na dapat ding umaksyon at huwag tumunganga ang Department of Trade and Industry kaugnay sa tamang presyo ng mga face shield sa merkado.