Saturday, May 18, 2024

Lapeña inilipat sa TESDA; Guerrero itinalaga bilang Customs chief

- Advertisement -

Inilipat na ni Pangulong Duterte si Bureau of Customs o BOC Commissioner Isidro Lapeña sa Technical Education And Skills Development Authority o TESDA habang si MARINA Administrator Rey Leonardo Guerrero ang papalit naman kay Lapeña bilang hepe ng Customs.

Ito ang inanunsyo ng Pangulo ngayong hapon sa kanyang pagdalo sa 117th anniversary ng Philippine Coast Guard.

Pinapasibak rin ng Punong Ehekutibo ang lahat ng opisyal sa BOC maging ang section heads nito kasunod na rin ng kontrobersiyang kinakaharap ng ahensiya, maging ang mga alegasyon ng katiwalian.

Dahil dito, binigyan na rin ni Duterte ng kalayaan ang papalit na Commissioner ng Customs na si Guerrero na pumili ng mga bagong mamumunong mga opisyal sa BOC.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -