32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Lalaking tumangay ng motorsiklo sa bayan ng Buhi, Camarines Sur arestado sa isinagawang hot pursuit operation sa bayan ng Iriga City

- Advertisement -

Arestado ang isang (1) lalaki matapos itong maaktuhang nasa posisyon ang nawawalang motorsiklo ng isang Ginang sa Brgy San Buenaventura bayan ng Buhi, Camarines Sur nito lamang Mayo 30, 2023.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng kapulisan ng Buhi PNP ay maagang pumasok si Gng Joy sa kanyang pinagtatrabahohan gamit ang motorsiklo ng kanyang asawa nito lamang Mayo 29, 2023 dakong alas-6:43 ng umaga sa nasabing barangay, ngunit pagkalipas ang ilang oras nang balikan niya ang kanyang motorsiklo na nakagarahe malapit sa tindahan na kanyang pinagtatrabahohan ay wala na ito.

Dali-dali nyang hinanap ang kanyang motorsiklo sa kalapit na kalsada ngunit di nya na ito mahanap kung kaya kaagad syang nagreport sa Barangay San Buenaventura at dumeretso na rin sa himpilan ng Buhi PNP upang ipaalam ang nasabing insedente. Kaagad namang nag-imbestiga ang kapulisan ng Buhi PNP sa pamumuno ni PMAJ ANDREW J ALCOMENDAS, Hepe ng naturang estasyon at nagsagawa ng hot pursuit operation.

Sa kanilang pagsisiyasat at dahil na rin sa tulong ng mga CCTV camera na nakapalibot sa bayan ng Buhi ay napag-alaman ng ating mga kapulisan na ang nasabing motorsiklo ay lulan ng isang lalaki at patungo sa dereksyon ng Iriga City. Kaagad na nakipag-ugnayan ang ating mga kapulisan sa Iriga City Police Station at dahil na rin sa tulong ng mga mamamayan na nakatira sa Brgy. Sto Domingo, iriga City, Camarines Sur ay natukoy nila ang kinaroroonan ng nawawalang motorsiklo.

Bandang alas-3:30 ng hapon, Mayo 30, 2023 ay nakuha sa kostudiya ni alyas “TAMULMOL”, dalawamput walo (28) taong gulang, binata, at residente ng Brgy San Isidro, Buhi, Camarines Sur ang nawawalang motorsiklo ni Gng. Joy, ito ay dahil na rin sa tulong ng mga mamamayan at Brgy Tanod ng nasabing barangay. Kaagad nahuli ng ating mga kapulisan kasama nang kapulisan ng Iriga City Police Station ang naturang suspek, binasahan ng kanyang mga Karapatan at dinala sa himpilan ng Iriga City Police Station upang ipatala ang nasabing insedente.

Sa kasalukuyan ay sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 10883 (New Carnapping Act of 2016) si alyas “TAMULMOL” at nasa pangangalaga na ng Buhi MPS. (Jv Navarro Verdeflor Jr via MPS Buhi CSPPO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -