Lalaking natagpuang patay sa Bohol na tukoy na

0
59

Natukoy na ng pulisya ang pagkaka-kilanlan ng lalaking natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Balilihan, Bohol kahapon.

Kinilala ni Police Captain John Yango, hepe ng Balilihan Police, ang bangkay na si Regino Laudiana, 24 anyos.

Ayon kay Yango, nakilala nila ang bangkay ni Laudiana dahil naka-tattoo ang pangalan nito sa likod ni Laudiana.

Batay sa inisyal na ulat ng mga otoridad, nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang bangkay ng biktima.

Samantala, napag-alaman naman ng pulisya na si Laudiana ay suspek sa pagnanakaw ng isang sasakyan noong Mayo 18.

Sangkot din naman ito sa kasong pagnanakaw sa bayan ng Trinidad noong 2013 at naaresto sa pagdadala ng droga’t baril noong 2014.