Pamunuan ng Angkas kumpiyansa na matutuloy na ang kanilang legalisasyon

0
47

Kumpiyansa ang pamunuan ng motorcycle-hailing firm na Angkas na matutuloy na ang kanilang legalisasyon.

Ayon kay George Royeca, Head Ng Regulatory at Public Affairs ng Angkas,  tiwala siyang maganda ang kakalabasan ng kanilang 6 na buwang Pilot Testing na umarangkada ngayong buwan ng Hunyo.

Magugunitang, inaprubahan ng DOTR o Dept. Of Transportation ang 6 na buwang pilot operation ng Angkas, kung saan sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade na ito ang magiging batayan ng Kongreso kaugnay ng nakabinbng panukala hinggil sa regulasyon ng Motorcycle Taxi Operations sa bansa.

Ayon kay Royeca, batay sa kanilang pagtataya ay nasa 99 point 97 percent na ligtas ang kanilang magiging mga biyahe.

Aniya, isinailalim na nila sa modipikasyon ang mga motorsiklong hindi pumasa sa kanilang pamantayan, at pina-iiral din nila ang “Feedback Mechanism” mula sa mga pasahero upang mabantayan rin ang kanilang mga drivers.

Samantala, sinabi rin naman ni Tugade na mahigpit nilang babantayan ang magiging mga biyahe ng Angkas.