28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Lalaking nang hostage sa Sta. Mesa may warrant sa kasong pagpatay sa Samar — MPD

- Advertisement -

Natuklasan na may nakaambang kaso pala ng pagpatay sa Samar ang lalaking nang hostage ng bata sa Sta. Mesa, sa Maynila.

Ito’y makaraang magsagawa ang pulisya ng background check kaugnay sa pamamaril ng lalaki na kinilalang si Dominador Abrillo.

Ayon kay Police Superintendent Ruben Gamos, commander ng Manila Police District MPD Station 8, inamin ni Abrillo na may kinakaharap itong kaso kaugnay sa pagkakapatay niya noon sa nobyo ng kanyang dating kinakasama.

May mas malalim aniyang dimadamdam ang suspek na nauwi sa pagwawala at pamamaril nito.

Ligtas naman ang lahat ng nasaktan sa naturang insidente.

Samantala, iminungkahi ni Ramos ang pagkakaroon ng dagdag na kasama mula sa Phillipine National Police (PNP) ang mga guwardya sa bawat istasyon ng tren sakaling magkaroon muli ng ganitong klaseng insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -