Sinuspinde na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at klase sa mga pampublikong paaralan sa Enero 2.
Ito’y upang mabigyan ng karagdagang panahon ang mga government employee na ipagdiwang ang holiday partikular ang bagong taon kasama ang pamilya.
Nilagdaan ang Memorandum Circular 54 ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa otorisasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
#TINGNAN: Malacañan, idineklarang suspendido ang pasok sa mga paaralan at tanggapan ng gobyerno sa buong bansa sa Enero 2 upang bigyang daan ang lahat na makabalik sa kani-kanilang lugar matapos ang Holiday Season.
(Courtesy: PCOO) pic.twitter.com/rtx1OHx4Ze
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 17, 2018
Hindi saklaw ng naturang kautusan ang mga ahensyang nakatutok sa basic at health services at disasters response.