Lalaki sa Iriga patay matapos malunod habang nangingisda

    0
    29

    Dead on Arrival sa ospital ang isang 33-anyos na lalaki sa Iriga City matapos itong malunod sa ilog sa Bato Camarines Sur.

    Sa impormasyon mula sa Bato Municipal Police Station, 1:45 ng hapon nitong Marso 16, habang ang biktimang si Rey Velasco ng Barangay San Antonio Iriga City ay nangingisda sa ilog sakop ng Bacolod Bato Camarines Sur nang aksidente itong madulas sa malalim na bahagi ng ilog na naging sanhi upang ang biktima’y malunod.

    Batay pa sa ulat ng pulisya, sinasabing hindi umano marunong lumangoy ang biktima at ang ibang kasama nitong nangingisda ay may kalayuan ang distansya rason para hindi agad ito ma-rescue.
    Isinugod pa ang biktima sa Medical Mission Group Hospital sa Nabua Camarines Sur pero idineklara itong dead on arrival.

    Nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing insidente. (Emman Lumapag)

    Leave a Reply