General Santos City – Huli sa akto ng pagbebenta ng ipinagbabawal na droga ang isang 30-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng GenSan PNP sa Prk. Lansong, Brgy Tambler, General Santos City noong ika- 26 ng Abril 2023.
Ayon kay Police Captain Christopher S Villamor, Ating Chief ng City Police Drug Enforcement Unit, nabili sa suspek na nakilalang si alyas “Saddam” na resindete ng Brgy. Tambler, General Santos City, ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ang buy-bust money.
Nakuha rin sa kanya ang ilang sachet ng pinaghihinalaang shabu na may mga bigat na 1.02 gramo na may tinatayang halaga na aabot sa Pph6,900. Nakumpiska rin sa suspek ang Php500 bill bilang buy-bust money at iba pang non-drug item.
Kakaharapin ni Saddam ang kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak naman ni PCpt Villamor, na hindi titigil ang kanilang hanay sa pagsugpo ng ano mang uri ng kriminalidad tungo sa pagkamit ng payapa at maunlad na komunidad.
(Source: PCADG Region 12 Facebook page)
