Radio Philippines Network
Headlines Sports & Entertainment

Lakers pasok na sa NBA Finals

Pasok na sa NBA Finals Ang Los Angeles Lakers sa kauna-unahang pagkakataon simula noong 2010.

Ito ay matapos na masungkit ng Lakers ang game 5 sa Western Conference Finals kontra Denver Nuggets sa score na 117 – 107.

Pinangunahan ni Lebron James ang panalo ng Lakers kung saan nakagawa ito ng 38 points, 16 rebounds at 10 assists.

Ito rin ang maituturing na pinakamagandang laro ni James sa serye.

Samantala, nakapagambag naman sa laban si Anthony Davis ng 27 points 5 rebounds, 3 assists, 2 steals at isang block.

Nakatakdang kalabanin ng Lakers sa finals ang koponang magwawagi para sa Eastern Conference Finals sa pagitan ng  Boston Celtics o Miami Heat.

Huling nakapasok sa finals ang LA Lakers noong 2010 sa pangunguna ni NBA legend Kobe Bryant at Paul Gasul kung saan  nakalaban nila ang Boston Celtics.

Related posts

Initial results ng VP poll recount muling pinabubusisi ni Bongbong

Powered by DWIZ

Operasyon ng ilang industriya mananatiling sarado sa ilalim ng GCQ

Powered by DWIZ

NBA players isasalang sa COVID-19 TEST kada makalawa

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More