29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Hirit na No-El sa 2022 hindi kailanman uubra –– Ex-COMELEC Official

- Advertisement -

Walang puwang ang mungkahing ipagpaliban o itigil ang pambansa at lokal na halalan sa darating na taong 2022.

Ito ang iginiit ng election lawyer at dating COMELEC Commissioner Gregorio Larazabal kasunod ng naging hirit ni Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo.

Sa panayam ng DWIZ kay Larazabal, sinabi nito na kung nagawa ng mga Pilipinong lumabag sa mga quarantine protocol nang buksan ang white sand area sa Manila Bay, bakit aniya hindi kakayaning sundin ang saligang batas na maghalal ng mga bagong pinuno.

Huwag natin kalimutan during the pandemic there were over other countries na nag-election na including Russia, Belarus, Iceland, even South Korea and even Singapore. Marami namang bansa na nag-eleksyon so, kung kaya nila aba dapat kaya natin. Kung kaya natin pumunta sa fake sand sa Roxas Boulevard– mga dolomite, kaya naman siguro natin bumoto. Kung kaya natin pumunta sa Boracay this October para magbakasyon ‘di ba dapat kaya nating pumunta sa prisinto para bumoto? Better na pag-isipan natin na may pandemic pa din or may health concern pa rin so, we have to be careful, we have to have that mindset na we have to have elections maski may pandemic,” ani Larazabal.

Giit pa ni Larazabal, marami namang mga alternatibong pamamaraan upang maiwasan pa rin ang siksikan sa mga presinto sa panahon ng halalan tulad ng mail in voting para sa mga senior citizen.

May magandang panukala ngayon na yung Housebill ni Congresswoman Quimbo of Marikina. May panukala siya dun na reinvoting for elderly voters, maganda yun, yung mga elderly hindi na sila pupunta sa mga prisinto, ipadala na lang yung balota sa COMELEC. The ballots will relay to you, you fill it up , send it either by mail or courier back to COMELEC and mailing vote is not new we’ve been doing it for decades sa mga media at saka sa military. In other countries, mailing voting is happening, its nothing new you just have to be transparent yung proseso at yung mga balota secure,” ani Larazabal. — panayam mula sa Balitang 882.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -