Mahigpit na ipatutupad ang “no vendor policy” sa pinasinayaang Lagusnilad Underpass sa lungsod ng Maynila.
Ito mismo ang sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno matapos niyang pangunahan ang ribbon cutting ceremony sa pagpapasinaya sa Lagusnilad na isinailalim sa rehabilitasyon.
Bukod dito, mahigpit din na ipatutupad ang pagbabawal sa bandalismo at mayroon na rin aniyang mga ikinabit na CCTV sa naturang underpass para ma-monitor ang lahat ng aktibad dito.
Kaugnay nito, agaw pansin din naman ang mga naglalakihang mga mural sa underpass na nagpapakita ng yaman, kultura at kasaysayan ng bansa.
Sa ngayon, umapela naman si Moreno sa publiko na panatilihing malinis ang Lagusnilad.