Lacson ipinaalala ang pangako ni Duterte na sibak-agad sa mga opisyal na sangkot sa katiwalian

0
9

Ipinaalala ni Senador Panfilo Lacson ang pangako ng Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin nya agad ang sinumang opisyal kapag may naamoy syang katiwalian laban sa mga ito.

Hindi itinago ni Lacson ang kanyang pagkadismaya sa pahayag ng MalacaƱang na hindi sisibakin ng pangulo si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales kung walang sapat na ebidensya.

Ayon kay Lacson, hindi nya kinukuwestyon ang hire and fire authority ng pangulo subalit kapag may pandemya anya ay shocking anya kung may maririnig kang katiwalian.

Hinikayat ni Lacson ang pangulo na basahin ang transcript ng senate hearing kung saan inakusahan ng dalawang whistleblowers si Morales ng pag-apruba sa overpriced equipment at pagpapalabas ng pondo para sa mga pinapaborang ospital.