Ika-25 petisyon vs. anti-terror law inihain sa SC

0
11

Nadagdagan pa ang petisyon sa Korte Suprema laban sa anti-terrorism law.

Ang ika-25 petisyon kontra sa anti-terror law ay mula sa Concerned Lawyers for Civil Liberties (CLC) kung saan kasama si dating Vice President Jejomar Binay.

Maliban kay Binay, kasama rin sa petitioners sina dating Senador Rene Saguisag, dating UP Law Dean Pacifico Agabin, Atty. Neri Colmenares at National Union of Peoples Lawyers (NUPL) President Edre Olalia.

Personal pang sumama ang dating bise presidente sa paghahain ng petisyon sa Korte Suprema.

Ito na ang ika-25 petisyon na humihiling sa pagpapawalang bisa sa anti-terrorism law dahil sa anila’y pagiging unconstitutional nito.