LA Lakers bigo sa kamay ng Houston Rockets sa NBA

0
69

Kumamada si James Harden ng 36 points habang nagdagdag si Eric Gordon ng  23 points sa panalo ng Houston Rockets laban sa Los Angeles Lakers  sa kanilang first-round series sa Western Conference semifinals.

Nakakuha rin si Russell Westbrook ng 24 points at 9 rebounds para sa Rockets.

Samantala, si Anthony Davis naman ang nanguna sa Lakers nang kumana ito ng 25 points at 14 rebounds habang nag-ambag si LeBron James ng 20 points.

Nangako naman ang Lakers na babawi ito sa Game 2 ng naturang serye.