Bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa Kongreso pumalo na sa 64

0
24

Sumampa na sa 64 ang bilang ng mga nagpositibo mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito mismo ang kinumpirma ni House Secretary General Jose Lusi Montales matapos na maitala ang dalawang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)  mula sa Kamara.

Sinabi ni montales, isa sa mga ito ay congressional staff mula sa oversight committee na huli pumasok noong Martes, September 1 at Miyerkules.

Habang ang isa naman ay empleyado mula sa information and communications technology service ng Kamara.

Sa ngayon tiniyak naman ni Montales na ikinakasa na ang contact tracing sa posibleng nakasalamuha ng mga ito.