Friday, May 17, 2024

Kurapsyon, West PH Sea at illegal drugs ilan sa inaasahang tatalakayin sa SONA 2019

- Advertisement -

Korapsyon, West Philippine Sea, rebelyon at iligal na droga.

Ito’y ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang ilan sa mga pangunahing isyu na tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na SONA o State of the Nation Address ngayong araw.

Sinabi ni Panelo, kabilang din sa babanggitin ng pangulo ang mga nakamit at natupad na pangako ng administrasyong Duterte sa nakalipas na tatlong taon.

Maliban sa mga ito, inaasahan din aniya na ilalahad ni Pangulong Duterte ang kanyang mga plano para sa bansa sa natitira pang tatlong taon nito sa pwesto.

Pagtitiyak pa ni Panelo, sobrang pinaghandaan ng pangulo ang kanyang SONA lalo’t naging makabuluhan aniya ang nakalipas na isang taon ng administrasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -