Radio Philippines Network
Image default
International News

Kumpirmadong bagong apat na kaso ng COVID-19 sa Japan naitala

Kinumpirma ng mga opisyal ng bansang Japan na mayroong panibagong apat na kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ayon sa prefectural government official, isa sa apat na nagpositibo ay 40 taong gulang na guro sa Junior High School sa China, East of Tokyo.

Anila, pumasok pa sa trabaho ang naturang guro nang mayroong sintomas ng COVID-19 kung kaya’t napagdesisyonan ng lokal na gobyerno na pansamantalang ipasara ang eskwelahan na kanyang pinagtatrabauhan sa loob ng dalawang araw simula sa February 25.

Samantala, ang pangalawang pasyente mula sa apat na nagpositibo ay isa ring guro sa naturang eskwelahan ngunit hindi ito nakitaan ng kahit anong sintomas.

Related posts

7 patay sa missile attacks sa Baghdad Aiport

Powered by DWIZ

10,000 preso sa Afghanistan nakatakdang palayain dahil sa COVID-19

Powered by DWIZ

COVID-19 cases sa buong mundo mahigit 10 milyon na

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More