Matteo Guidicelli itinangging mag sinuntok siya matapos ang kasal kay Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli itinangging mag sinuntok siya matapos ang kasal kay Sarah Geronimo

by Powered by DWIZ
80 views

Itinanggi ng aktor na si Matteo Guidicelli ang ulat na kanyang sinuntok ang body guard ni Sarah Geronimo matapos ang kanilang naging kasal noong Huwebes, Pebrero 20.

Ito ay matapos na kumalat ang isang police report na nagsasaad ng nabanggit na insidente.

Ayon kay Matteo, wala siyang sinuntok na sinoman.

Kasabay na rin nito, inamin ng aktor na ikinasal na nga sila ni Sarah.

Nagpasalamat din si Matteo sa mga nagpaabot ng pagbati sa kanilang mag-asawa.

Nangyari ang civil wedding nina Matteo at Sarah sa isang hotel sa Bonifacio Global City na plano sana nilang isikreto sa lahat maging sa mga magulang ng singer.

Gayunman, sinasabing dumating sa event si Mommy Divine kahit hindi imbitado.

Inakusahan naman umano ni Matteo ang body guard ni Sarah na siyang nagbigay ng impormasyon kay Mommy Divine na naging dahilan naman umano ng pananapak ng aktor.

0 comment

Related Posts