Kritiko ng “Build, Build, Build” at drug war gobyerno sinopla ng Palasyo

0
51

Sinopla ng Malakanyang ang mga kritiko ng Build, Build, Build program at war on drugs ng gobyerno.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, ang mga ito ang dahilan kung bakit nagiging polluted o marumi ang hangin sa paligid.

Subalit hindi aniya, mapipigilan ng mga kritiko ng pamahalaan ang pagpupursige at pagsisikap ng administrasyon na makamit ang mga magagandang mithiin nito para sa mga Pilipino.

Pahayag ni Panelo, nagkakaroon lamang ng pagkaantala sa mga proyekto dahil sa burukrasya na siyang ginagamit ng mga kalaban ng gobyerno.

Subalit sa kabila aniya nito, mananatiling nakapokus si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang hangarin na maiparamdam sa bawat mamamayan ang tunay na pagbabago ng Pilipinas tungo sa mas matiwasay at maunlad na kinabukasan.