Sunday, May 5, 2024

40% ng NPA tinawag ng Pangulo na mga ‘bakla’

- Advertisement -

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga bakla ang 40 porsyentong miyembro ng New People’s Army o NPA.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa Biñan, Laguna.

Pabiro pang sinabi ng Pangulo, na lumalabas ang tunay na pagkatao ng mga NPA rebel kapag nakakakita ang mga ito ng guwapo.

Kwento ng Punong Ehekutibo, nagtataka umano siya kung bakit hiniling ng mga miyembro ng komunistang grupo na makita ang kanyang anak na si Baste Duterte bago pinakawalan ang kanilang mga bihag.

Dito umano napagtanto ng Pangulo na posibleng hindi mga tunay na lalaki ang malaking bilang ng NPA.

Matatandang, kamakailan lamang pinalaya ng komunistang grupo ang kanilang mga bihag na dalawang sundalo at anim na CAFGU matapos ang isang seremonya na pinangunahan ni Baste sa Barangay San Juan, Bayugan City, Agusan del Sur.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img