Baguio City – Inaprubahan na ng konseho ng Lungsod ng Baguio sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagtatalaga ng mahigit sa P2.74 billion bilang taunang budget ng lokal na gobierno sa taong 2024.
Ang 2024 annual budget ng lungsod ay 14 na por siento o may P335 million na mas mataas kaysa sa P2.409 milyong piso ngayong 2023.
Ang tinatayang kita mula sa local at external sources na sinertipikahan ng local finance committee na magsisimula sa balance na P50 million; mula sa local internal sources tulad ng tax revenue o kita sa buwis; P630,810,000.00; non-tax revenue – P565,977,000.00 at external sources tulad ng bahagi mula national tax allotment – P1,234,987,171.00; na bahagi mula sa mga economic zones – P250,000,000.00 at ang bahagi mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) – P3,500,000.00.
Ang nasabing kita ay 14 porsientong mataas kaysa sa tinatayang kita na inaasahan ngayong taon kasama na ang non-tax revenue na nagkakahalaga ng: 103 milyong piso na kumakatawan sa tinatayang tubo o patong sa mga panukalang pagbabago sa mga bayad sa business permit para sa submission at consideration ng konseho.
Ang tinatayang kita ay magiging pantulong sa iba’t ibang pagkakagastusan para sa mainam at epektibong pamamahagi ng basic services tulad ng personnel services – na nagkakahalaga ng P935 million o 4 porsientong taas mula sa mga nakalipas ng mga taon upang tumugon sa sweldo, mga benepisyo, allowances at ibang pang bayarin ng mga lokal na opisyal at maging ng mga empleado, maintenance at ang iba pang pagkakagastusan na nagkakahalaga ng P1,179,501,171.00; capital outlay – P75,939,000.00 sa local development fund. P410,000,000.00 ang itinalaga bilang pondo sa disaster risk reduction at management. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)