Koleksyon ng gobyerno mula sa sin tax tumaas

0
53

Tumaas ang koleksyon ng sin tax revenues ng gobyerno sa unang siyam na buwan.

Ayon kay Department of Finance (DoF) Undersecretary Antonette Tionko, umakyat sa P49.35 billion ang nakolektang excise tax mula sa alcoholic products simula first hanggang 3rd quarter ng taon.

Kumpara ito sa P42.83 billion sa kaparehong panahon noong isang taon.

Sumampa naman sa P106.89 billion ang excise tax collection para sa tobacco products hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon kumpara sa P95.98 billion sa kaparehong panahon noong 2017.

Isa sa mga dahilan nang paglago ng sin tax collection ang nakolektang buwis mula sa Mighty Corporation.