Klase sa 731 eskwelahan simula na —CHED

0
29

Nagsimula na ng klase ang 731 higher education institutions (HEIs) sa bansa mula sa kabuuang 2,400.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera, una nang nagbukas ng klase ang 20 private HEIs noong Hunyo at Hulyo kung saan mayorya sa mga unibersidad ay nakapag-adapt na sa full online learning system.

Aniya, tinatayang nasa 186 pang HEIs ang inaasahang magbubukas ng klase sa susunod na buwan ng Setyembre at Oktubre.

Paliwanag ni De Vera, ang pagbubukas ng klase ay nakabatay sa education delivery mode at pagsunod ng mga paaralan sa minimum health protocols at sitwasyon sa kani-kanilang mga lugar.

Samantala, patuloy namang nakikipagtulungan ang CHED sa State Universities and Colleges at Local Universities and Colleges at iba pang HEIs para sa pag buo ng guidelines na ipapatupad sa limited face-to-face classes.