Inatasan ng Malacañang ang mga ahensya ng gobyerno na ibalik ang 30% ng kanilang 2020 budget sa national treasury upang madagdagan ang pondo para sa pagtugon sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang makitang ibang paraan ang pamahalaan kun’di bawasan ang pondo ng lahat ng departamento upang maibsan ang epekto ng pandemya sa taumbayan at ekonomiya ng bansa.
Matatandaang una nang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang pondo ang pamahalaan para sa COVID-19 response.