29.8 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Kita ng mga magsasaka planong palaguin ng gobyerno

- Advertisement -

Inilarga na ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga programa at aktibidad upang paunlarin at isaayos ang agri-business enterprises.

Ito, ayon kay DAR Undersecretary for Support Services Emily Padilla, ay upang itaas ang kinikita ng mga magsasaka sa gitna nang walang tigil na pagtaas ng presyo ng pagkain partikular ng mga agricultural product.

Nagsimula ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng 3-day program orientation para sa ā€œConvergence on Livelihood Assistance for Agrarian Reform Beneficiaries Project (CLAAP)ā€ sa Development Academy of the Philippines, noong Setyembre 4 hanggang 6.

Sa ilalim anya ng partnership program, naglaan ang DSWD ng isang bilyong piso na inilipat sa DAR na naglaan din ng P186 million para sa implementasyon ng nasabing hakbang.

Nagkaloob ang DSWD ng technical assistance at nag-apruba sa livelihood project proposals ng mga rehiyon na inaasahang pakikinabangan ng nasa 35,000 farmer beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) maging ng mga hindi benepisyaryo nito.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -