28.4 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Duterte kinukunsidera ang pagtatalaga ng mangangasiwa sa rice importation ng BOC

- Advertisement -

Ikinukunsidera na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga ng full-time official sa Bureau of Customs (BOC) na mangangasiwa sa issuance ng import permits upang mapadali ang proseso ng pag-aangkat ng bigas.

Ito, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang nakikitang solusyon ni Pangulong Duterte sa sinasabing rice crisis.

Isa anya sa mga rason nang pagka-antala ng delivery ng imports ang kawalan ng mga opisyal na pipirma sa tambak na permit.

Bagaman hindi na idinetalye ni Roque kung sino ang nais italaga ni Pangulong Duterte na mangangasiwa sa issuance of permits, posibleng magmula mismo ito sa BOC.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -