33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Kilusang Mayo Uno humirit ng wage hike matapos ang pisong dagdag pasahe sa jeep

- Advertisement -

Humirit ang Kilusang Mayo Uno na itaas sa 750 pesos kada araw ang minimum wage ng mga manggagawa.

Kasunod ito ng pisong dagdag sa pasahe ng mga jeepneys.

Ayon kay KMU Chair Elmer Labog, ipinapasa lamang ng gobyerno sa mga “commuter” ang pasanin na dulot ng pagtaas ng halaga ng langis bunsod ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Giit pa ni Labog, hindi naman makatutulong sa mga jeepney driver ang pisong taas sa pasahe lalo na ngayon na patuloy ang pagtaas ng presyo ng ilang mga bilihin.

Sinabi pa ni Labog na mabuti na itigil muna ang pagpapatupad ng TRAIN law at pag – aralan muli ang mga epekto nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -