Kilos-protesta sa Israel nagpatuloy sa kabila ng pandemic

0
40

Nagpatuloy ang kilos-protesta ng libu-libong Israelis sa Jerusalem para ipanawagan ang pagbibitiw sa puwesto ni Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kabila ng lockdown dulot ng coronavirus disease 2019  (COVID-19) pandemic.

Ayon sa Israeli media, sumugod ang mga raliyista sa Tel Aviv at Caesarea habang ang ilan ay inilatag sa social media ang kanilang mga aktibidad.

Binigyang diin ng mga cause-oriented groups na kaya lang umano nagkasa ang gobyerno ng mas mahigpit na lockdown sa lugar ay upang mapigilan ang ginagawa nilang kilos-protesta.