31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Kaso vs Purisima at Napeñas hinggil sa Mamasapano massacre ibinasura ng ombudsman

- Advertisement -

Ibinasura ng Sandiganbayan 4th Division ang mga kaso laban kina dating Philippine National Police (PNP) chief Allan Purisima at Special Action Force (SAF) chief Getulio Napenas kaugay sa Mamasapano massacre case na ikinasawi ng 44 na pulis.

Ito ay matapos na walang nakitang probable cause para mapatunayan na nakinabang ang dalawang dating opisyal sa naturang operasyon.

Magugunitang nagsagawa ng operasyon ang SAF noong Disyembre 2014 hanggang Enero 2015 para matugis ang foreign terrorist na si Zelkilfi Abdhir alyas ‘Marwan’ at Akmad Batabol alyas ‘Basit Usman’.

Ayon sa ombudsman, kasama si Napenas sa kinasuhan dahil alam umano nito na suspendido bilang hepe ng PNP si Purisima subalit sinunod parin niya ito.

Samantala, una nang binawi ng prosekusyon ang kasong isinampa laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa kakulangan rin ng ebidensya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -