31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Duterte itinalaga si Misuari bilang special envoy ng Organization of Islamic Cooperation

- Advertisement -

Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Philippine’s Special Envoy to the Organization of Islamic Cooperation (OIC) si Moro National Liberation Front founding chair Nur Misuari.

Ang OIC ay ang pangalawa sa buong mundo na pinakala malaking inter-governmental organization na may 57 bansang miyembro.

Nagsisilbing boses ng mga Muslim sa iba’t ibang panig ng mundo ang nasabing organisasyon.

Una rito, nabanggit na ng pangulo nuong nakaraang taon ang plano nitong italaga sa nasabing posisyon si Misuari.

Ayon sa pangulo tiwala siyang magagampanan ni Misuari ang kaniyang tungkulin at mas lalo nitong mapatatatag ang relasyon ng Pilipinas sa mga Islamic countries.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -