Karamihan Sa Mga BHERT At BHW Sa Camarines Sur, Nag-Aalinlangan Sa Pagpapabakuna

0
17

Kahit patuloy pang hinihintay ang pagdating ng bakuna laban sa covid-19, nagsimula na ng paglista ang mga municipal at city health offices sa mga mauunang bigyan ng bakuna sa lalawigan.

Subalit, mahigit 80% ang nagdadalawang isip habang ang iba ay nanindigang ayaw nilang magpabakuna.

Ayon kay Dr. Rey Millena, Provincial Health Officer ng Camarines Sur, ito’y bunga ng mga fake news na nababasa sa social media sa masamang epekto ng bakuna.

Ayaw nilang mangyari sa kanila ang Dengvaxia controversy.

Kasunod nito, sinabi ng DOH na kailangan talaga ang information campaign upang mapataas an tiwala at kompyansa sa bakuna. (Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC)

Leave a Reply