Karagdagang x-ray units sa mga paliparan aprub kay Duterte

0
47

Inaprubahan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng x-ray units na ilalagay sa mga paliparan para masuri ang agricultural products partikular na ang mga meat product.

Ipinabatid ni Agriculture secretary Manny Piñol na aprubado ng pangulo ang paggamit sa quick reaction fund (QRF) ng Department of Agriculture (DA) para sa emergency procurement ng 20 units ng x-ray machines upang ma protektahan ang bansa laban sa african swine fever (ASF).

Ang mga bibilhing x-ray machines ay ilalagay sa mga paliparan sa bansa para ang mga hand carried at checked-in baggage ng mga parating na pasahero ay masuri ng husto.

Tinatayang aabot sa P130-M mula sa QRF ang gagastusin sa pagbili ng mga makina.

Sa ngayon ay mahigpit ang ipinatutupad na quarantine measures ng DA sa mga dalang meat products mula Australia, New Zealand, Japan at Amerika.